Powered by Blogger.

World Clock

Hongkong Phillipines KSA USA Bahrain France Japan
Australia Greece Italy New Zealand Norway UK Dubai

NEWS FEED: Ilang celebrities, sumubaybay din sa paglilitis at paggawad ng hatol kay Corona - 30 MAY 2012




Sa pamamagitan ng kani-kanilang Twitter accounts, nagpahayag din ng kanilang saloobin ang ilang Pinoy celebrities sa kinalabasan ng paglilitis ng Senado kay Chief Justice Renato Corona nitong Martes.

Sa botong 20-3 ng mga senator-judge na tumagal ng may apat na oras, idineklarang guilty ng Senate Impeachment Court si Corona dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang halaga ng mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Walong boto lang ang kailangan ni Corona para mapawalang-sala, habang 16 na boto naman para siya mahatulang guilty.

Bumoto ng guilty sina Sens Edgardo Angara, Alan Peter Cateyano, Pia Cayetano, Franklin Drilon, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Teofisto Guingona III, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Francis Pangilinan, Aquilino “Koko" Pimentel, Ralph Recto, Ramon “Bong" Revilla Jr, Tito Sotto, Antonio Trillanes IV, Manny Villar, at Senate President Juan Ponce Enrile.

Samantala, not guilty naman ang hatol nina Sens Joker Arroyo, Miriam Defensor Santiago, at Ferdinand “Bongbong" Marcos Jr.

Kaakibat ng hatol na guilty ang pagtanggal kay Corona sa kanyang posisyon bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Habang at pagkatapos na maipalabas ng live ang paglilitis kay Corona sa iba’t ibang TV station partikular sa GMA News TV, nagbigay naman ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng Twitter ang ilang celebrities tungkol sa makasaysayang paglilitis.

Kabilang dito si Ara Mina na nagsabing: “‏@realAraMina:Watching the Corona Trial while on my way to Batangas. Lord kayo na po bahala."

Ipinahayag naman ni Nadia Montenegro ang paghanga sa paliwanag ni Sen Santiago sa kanyang naging boto: “‏@nadsmontenegro: Cheering and clapping while listening to Sen Miriam's explanation. She's the greatest!! I love u Sen Miriam!!!"

Maging si Rhian Ramos ay ipinaalam na nakatutok siya sa talumpati ni Santiago: “‏@whianwamos: ooops sorry... all caps.. pinapanood ko kasi si Miriam.. @jeclacson"

May puna naman si Alessandra de Rossi sa talumpati ni Sen Osmena: “‏@msderossi: cute ni sen. Osmeña mag-speech. parang pari ang dating nya! AMEN!"

Nagbunyi naman ang singer-composer na si Jim Peredes sa naging hatol ng Senado kay Corona: “@jimparedes: Convicted! Impeached na pala sa Lower house palang.."

Para naman sa television host na si Bianca Gonzalez: “@iamsuperbianca: ano man ang boto, lumabas kung sino ang nagpaliwanag ng boto at kung sino ang ibinida ang sarili at nangampanya. #CJonTrial."

“Kudos to senator Angara. Clear explanation," ayon naman sa tweet ni Dra Vicki Belo.

"Corona is just 1 out of numerous corrupt people in office. I hope this is the start of a breakthrough." pahayag ng Kapuso star na si Chynna Ortaleza

Para naman kay Grace Lee, dapat daw pumirma ng waiver ang ilang pulitiko para masilip din ang kanilang mga bank account: “@gracelee899: Impeachment over... Now time for the other politicians to sign that waiver:) of only I can volunteer to bring it personally to their offices."

Naniniwala naman si Arnell Ignacio na nagkaroon ng pagkakamali sa kanyang depensa si Corona: “ ‏@arnellignacio: the three hour opening speech was truly a careless move. i truly cannot understand why CJ offered too many details that sealed his fate." - FRJimenez, GMA News

house rules