By GORGY RULA, Abante Tonite

IN-ANNOUNCE ni Manay Lolit Solis sa Startalk nu’ng Sabado na hindi na matutuloy si Ai Ai delas Alas sa pelikulang pagsasamahan sana nila nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto.
Ang pagkakaalam namin, hindi puwedeng gawin ng Comedy Queen ang naturang project na pang-MMFF dahil hindi raw ito pinayagan ng Star Cinema.
Balak daw ng Star Cinema na gumawa ng pelikulang pang-MMFF na pagsasamahan nina Ai Ai, Kris Aquino at Vice Ganda.
Ayon kay Manay Lolit, kaya hindi na gagawin ni Ai Ai ang pelikulang ito nina Sen. Bong at Bossing Vic dahil magpapakasal na raw ito sa December sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jed.
Hindi namin ma-contact si Ai Ai para kumpirmahin ang naturang kuwento, pero may ilang nakakausap namin na may ganu’ng balak daw ito.
Wala pang kumpirmasyon o maaring gusto ni Ai Ai na maging tahimik ang kung ano man ang plano niya sa kanyang lovelife.
Matagal nang wish ng aktres na makapagpakasal, kaya sana’y matuloy na ito.
So far, wala pa kaming nababalitaan kung sino na ang ipapalit kay Ai Ai sa Bong-Vic movie.
Ang latest na narinig namin ay kinakausap si Judy Ann Santos pero wala pang kumpirmasyon kung tinanggap na niya ito.
Malapit na ang deadline ng submission ng entries sa MMFF. Magkakaaalaman din naman kung sino na ang makakasama sa malaking project na ito nina Sen. Bong at Bossing Vic.
***
Itinanggi ni Heart Evangelista ang intrigang nagkadebelopan sila ni Sid Lucero sa Legacy.
Nu’ng nakaraang linggo lang natapos ang taping ng drama series na ito at aminado si Heart na nabuo ang magandang friendship nila ni Sid lalo na kina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.
Kung break na sina Heart at Daniel Matsunaga, ganu’ndin si Sid sa kanyang non-showbiz girlfriend. Magmula nu’n ay naging close na si Sid kay Heart.
May isang affair daw ang pamilya ni Sid na isinama si Heart at ipinakilala sa pamilya.
Pero itinatanggi ng aktres na meron nang espesyal na namamagitan sa kanila ni Sid.
Hindi rin niya masabi kung ano ang gagawin niya sakaling ligawan siya ng aktor. Sa ngayon ay magkaibigan lang daw sila at wala nang hihigit pa du’n.
Ngayong tapos na si Heart sa Legacy, pinaghahandaan niya ang susunod niyang gagawin na Luna Blanca.
Panghuling serye pa naman itong kay Heart kasama si Bianca King.
Kina Jillian Ward at Mona Louise Rey muna ang magsisimula ang Luna Blanca ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras.
***
Ipinagtanggol ni Paolo Contis si Manny Pacquiao sa isyung kinasangkutan nito sa grupo ng mga kabadingan.
Ayon sa co-host ni Manny sa Manny Many Prizes, naging positibo ang dating kay Manny nang mag-react ang grupo ng LGBT nang ma-misquote ito sa isyung kabadingan.
Kuwento ni Paolo, “Nasabi lang naman sa akin ng mga kasamahan niya du’n.
Sabi raw ni Manny, dahil sa controversy na iyun, marami raw sa mga taong na-curious kung ano ba iyung nakasulat sa Bible na iyun. Kaya marami na tuloy ang nagbukas ng Bible.
“Ayaw na niyang paapekto. Siguro, affected lang siya du’n nu’ng una sa The Grove, pero later, naging relaxed na. Wala na ‘yun,” pahayag ng aktor.
Nakikita ni Paolo ang malaking pagbabago kay Manny dahil sa lumalalim na relasyon nito sa Diyos.
Pero hindi raw siya naging panatiko gaya ng pagkakilala sa kanya ng ibang tao.
Kahit sila raw ay naimpluwensyahan ni Manny na naniniwala silang magandang instrumento ang ating Pambansang Kamao para maipalaganap ang mga salita ng Diyos.